Britanya ititigil ang extradition treaty sa HK; Tsina, hinimok ang Britanya na huwag tumahak sa maling landas

Share with:

Mahigpit na kinondena ng Tsina ang Britanya sa maling pananalita at aksyon nito kamakailan.

Ipinahayag ito Hulyo, 20, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa balita na ititigil ng Britanya ang extradition treaty sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR). Sinabi ni Wang na ang Britanya ay malubhang lumabag sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng daigdig, at naki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina.

Ipinahayag ni Wang na hinihimok ng Tsina ang Britanya na huwag patuloy na tumahak sa maling landas para maiwasan ang lalo pang kapinsalaan sa relasyong Sino-Britaniko.

Salin:Sarah

Please select the login method