CMG Komentaryo: Eksplorasyon ng Tianwen-1 sa Mars, magdudulot ng benepisyo sa buong sangkatauhan

Share with:

CMG Komentaryo: Eksplorasyon ng Tianwen-1 sa Mars, magdudulot ng benepisyo sa buong sangkatauhan

CMG Komentaryo: Eksplorasyon ng Tianwen-1 sa Mars, magdudulot ng benepisyo sa buong sangkatauhan

CMG Komentaryo: Eksplorasyon ng Tianwen-1 sa Mars, magdudulot ng benepisyo sa buong sangkatauhan

Matagumpay na inilunsad Hulyo 23, 2020 ang Tianwen-1 o "quest for heavenly truth", probe ng kauna-unahang misyon ng eksplorasyon sa Mars ng Tsina. Ito ay unang hakbang ng pagsusuri ng Tsina sa mga planeta.

Isinagawa ng naturang proyekto ang patakaran ng "tapusin sa isang hakbang." Nangangahulugan itong sa proseso ng minsang paglulunsad, sabay-sabay na matapos ang orbiting, landing at roving sa Mars, para makuha ang mga data. Walang katulad ang gawaing ito sa buong daigdig. Nauna rito, isinagawa ng ibang bansa na tulad ng Amerika, Soviet Union at iba pa ang hakbang-hakbang na paraan sa proyektong tulad nito.

Kaya sa anggulo ng teknolohiya, kung magtatagumpay ang misyon ng Tianwen-1, ito ay masasabing malaking pagsulong sa usapin ng sangkatauhan sa pagsisiyasat sa Mars.

Ang breakthrough na ito ay pundasyon ng usapin ng pag-aaral sa Mars. Ang totoong layunin nito ay pagkukuha ng mas maraming kaalaman sa kalawakan, maging sa universe para lutasin ang mga problema sa mundo.

Kakaunti sa ngayon ang kaalaman ng sangkatauhan hinggil sa Mars. Kaya ang anumang kaalaman sa Mars ay hindi lamang mayroong eknomikong halaga. Kundi ito rin ay para sa ikabubuti ng buong sangkatauhan.

Dahil dito, ang bansa na hawak ang karangalan nang paglapag sa Mars, sa ngalan ng sangkatauhan, para hanapin ang sagot sa maraming mga tanong, ay malaking ambag sa buong sangkatauhan.

Iginigiit ng Tsina ang malalim na kooperasyong pandaigdig sa larangan ng outerspace batay sa pantay at mapayapang prinsipyo. Lulan ng Tianwen-1, ang mga pangsiyensyang kagamitan na ipinagkaloob ng European Space Agency (ESA), French National Centre for Space at Austrian Research Promotion Agency (FFG). Ito ang modelo ng kooperasyong pandaigdig. Ito rin ay aktuwal na pagsasanay ng pagsusulong ng pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.

Nananalig ang lahat na sa malapit na hinaharap, tiyak na mapapaunlad ng sangkatauhan ang mas maraming kooperasyong pandaigdig sa pagsisiyasat sa kalawalkan, na maaaring pasulungin ang pag-unlad ng modernong teknolohiya, at magdulot ng benepisyo sa lahat ng tao sa mundo.

Salin:Sarah

Please select the login method