Sa taong ito, posibleng umabot sa 6.7 milyon ang bilang nga mga bata edad 5 taon pababa, na emaciated at malnourished dahil sa epekto sa lipunan at kabuhayan na dulot ng pandemic ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Ito ang balita na ipinalabas Hulyo 27, 2020, ng United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF).
Ang emaciation ay tumukoy sa pagbaba ng bigat ng tao dahil sa sakit o ibang dahilan. Maaaring gamitin ang "emaciation" kung bababa nang 10% ang timbang kumpara sa pamantayang bigat. Magiging mas mahina ang mga bata na kulang sa timbang at bagsak ang pangagatawan at kakaharapin nila ang mas mataas na panganib ng kamatayan.
Ayon sa pananaliksik, nasa Timog Asya ang kalahati ng mga bata na posibleng mayroong mababang timbang, at nasa Aprika, sa bahaging katimugan ng Sahara ang mga 30% sa kanila. Posibleng tataas nang 14.3% ang emaciation rate ng mga bata edad 5 taong gulang pababa sa mga bansa na may maliit na kita. Magdudulot ito ng daragdagang mahigit 10 libong kamatayan ng mga bata bawat buwan.
Salin:Sarah