Pag-iibayuhin ng Tsina ang pagbubukas para mapatibay ang kalakalang panlabas at pamumuhunang dayuhan, at palalalimin ang pagsubok sa may inobasyong pag-unlad ng kalakalang panserbisyo.
Ito ang desisyong ginawa sa pirmihang pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina na pinanguluhan ni Premyer Li Keqiang ng bansa nitong Miyerkules, Hulyo 29, 2020.
Tinukoy sa pulong na ang pagpapatatag ng kalakalan at pamumuhunang dayuhan ay mahalagang gawain ng pamahalaan.
Para rito, dapat suportahan ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga bahay-kalakal sa pagsasagawa ng kalakalang panlabas at pagpigil sa panganib; dapat pasiglahin ang dakong gitna, kanluran, at hilagang silangan ng bansa upang mapaunlad ang relocated labor-intensive industries in foreign trade; dapat pabutihin ang kapaligirang pampatakaran ng pag-aakit ng puhunang dayuhan; at dapat patingkarin ang papel ng kalakalan ng serbisyo sa pagpapatatag ng kalakalan at pamumuhunang dayuhan.
Salin: Vera