Matagumpay na natapos umaga ng Agosto, 2, 2020 ng Tianwen-1, Mars Probe ng Tsina, ang kauna-unahan nitong koreksyon sa orbita, at patuloy itong tumatahak tungo sa Mars.
Sa naturang unang koreksyon, 230 oras nang naglalayag sa kalawakan ang Tianwen-1 at may 3 milyong kilometro ang layo sa mundo.
Mainam ang operasyon ng iba't ibang sistema nito.
Inilunsad Hulyo 23, 2020, ang Tianwen-1 mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site ng Tsina.
Bilang bukas na plataporma ng siyensiya, kasama ng Tsina ang Pransya, Austria, Argentina, European Space Agency at iba pang bansa at organisasyon sa proseso ng unang eksplorasyong ito ng bansa sa Mars.
Salin:Sarah