Ipinahayag Biyernes, ika-7 ng Agosto, 2020 ni Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas na dapat mahigpit na isakatuparan ng Tsina at Pilipinas ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), dapat mabisang kontrulin at hawakan ang mga hidwaan sa South China Sea (SCS), pasulungin ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct in the SCS at magkasanib na paggagalugad ng petrolyo at natural na gas sa SCS.
Nang kapanayamin ng CNN Philippines, sinabi ni Huang na winewelkam ng Tsina ang mga positibong pagsisikap at aksyon ng Pilipinas para pasulungin ang katatagan at kapayapaan ng SCS. Sinabi pa niya, magkaiba ang paninindigan at palagay ng Tsina at Pilipinas hinggil sa isyu ng SCS, pero pinili ng mga lider ng dalawang bansa ang paghanap ng komong palagay at pagsasaisang-tabi ng pagkakaiba.
Bukod dito, pinuna ni Huang ang mga kilos at pananalita ng Amerika hinggil sa isyu ng SCS. Sinabi niyang una, ang pakikialam ng Amerika sa isyung ito ay lumabag sa paninindigang walang pinapanigan; ikalawa, ang mga aksyong militar ng Amerika sa SCS ay nagpapasidhi ng tensyon sa rehiyong ito at humadlang sa pagsasanggunian ng DOC sa SCS.
Salin: Sissi / Ernest
Pulido: Mac / Jade