Nang kapanayamin ng CNN Philippines kahapon, Agosto 7, 2020, ipinahayag ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas na hindi basta bastang naniniwala ang mga Pilipino sa mga hindi totoo o distorted na media reports tungkol sa Tsina.
Sinabi ni Huang na mahigit isang libong taon na ang tagal ng mapagkaibigang pagpapalitan ng mga mamamayang Tsino at Pilipino, pero hindi nagbabago ang impresyon ng nakararaming Pilipino sa Tsina nitong ilampung taong nakalipas, at hindi nila tunay na alam ang totoong kalagayan ng kasalukuyang Tsina. Samantala, nalalaman ng mga Pilipino ang mga bagay tungkol sa Tsina batay sa anggulo ng western media at madalas na may pagkiling o may pinapanigan ang kanilang mga ibinabalita. Bilang Embahador ng Tsina, balak niyang buong sipag na magsisikap para mapasulong ang pag-uunawaan at pagpapalitan ng dalawang bansa, at mapalalim ang pagtitiwalaan ng mga mamamayan.
Salin: Sissi
Pulido: Mac / Jade