Mahigit 5 milyon, kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika

Share with:

Ayon sa pinakahuling estadistika na isinapubliko nitong Linggo, Agosto 9, 2020 ng Johns Hopkins University tungkol sa pandemiya ng Coronavirus Diseasea 2019 (COVID-19), lumampas na sa 5 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, samantalang lampas naman sa 162 libo ang bilang ng mga nasawi.

Upang mabisang makontrol ang kalagayang epidemiko, abala-abalang sinusubok-yari ng mga organo ng pananaliksik at bahay-kalakal ng medisina ng Amerika ang kaukulang bakuna at gamot.

Noong Hulyo 27, magkahiwalay na nag-umpisa ang phase III clinical trial ng COVID-19 vaccine na sinubok-yari ng Moderna at Pfizer.

Magkahiwalay na kakalapin ng dalawang pagsubok ang 30 libong boluntaryo.

Sa progreso ng pagsubok-yari ng bakuna ng COVID-19, ipinahayag ni Anthony Fauci, top infectious disease expert ng Amerika, na "maingat na optimistiko" siya sa pagtuklas ng ligtas at mabisang bakuna sa katapusan ng kasalukuyang taon o unang dako ng susunod na taon.

Salin: Lito

Please select the login method