Solemnang representasyon, inilahad ng Tsina sa BBC dahil sa pekeng balita hinggil sa Xinjiang

Share with:

Inilahad kamakailan ng Ministring Panlabas ng Tsina ang solemnang representasyon sa British Broadcasting Corporation (BBC) sa Beijing,Tsina, hinggil sa pekeng balitang iniprodyus at isinahimpapawid nito hinggil sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Uighur ng Xinjiang, Tsina.

Sa pamamagitan ng wikang Tsino at Ingles, ini-host ni John Sudworth, mamamahayag ng BBC sa Beijing ang mga ulat na inilabas noong Agosto 4 at Agosto 6 sa opisyal na website ng BBC.

Laman ng nasabing mga ulat ang mga pekeng impormasyon at may pagkiling na ideolohiya.

Ang aksyong ito ay malubhang lumabag sa moralidad ng journalism, at nagdulot ng maling epekto sa mga mambabasa, ayon sa Ministring Panlabas ng Tsina.

Hinimok ng panig na Tsino ang BBC na agarang iwasto ang nasabing kamalian, umiwas sa paggawa ng mga bagay na magdudulot ng masamang epekto, itakwil ang may pagkiling na ideolohiya, at i-ulat ang mga kaganapan sa Tsina sa makatwiran at makatarungang atityud.

Ang BBC ay organo ng pampublikong pagsasahimpapawid na may mahabang kasaysayan at magandang reputasyon.

Pero ngayon, mistulan na itong "fake news factory," ayon kay David Sedgwick, manunulat ng Britanya.

Tinukoy din ni Sedgwick na sa kasalukuyan, maliit na ang bilang ng mga taong naniniwala sa mga kuwento ng BBC.

Ang pagsasahimpapawid ng katotohananay responsibilidad at moralidad na kailangang sundin ng media. Subalit, sa mga aksyon ng BBC, mukhang tumnalilis na nito sa moralidad na nabanggit.

Salin:Sarah

Please select the login method