Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko ng Johns Hopkins University, hanggang Lunes, Agosto 9, 2020, lumampas na sa mahigit 5 milyon ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika, at nasa 160,200 naman ang bilang ng mga nasawi.
Tinukoy ng Cable News Network (CNN), na ang Amerika ay ang bansang may pinakamaraming bilang ng namatay dahil sa COVID-19 sa buong daigdig.
Ayon naman kay Peter Hotez, Propesor ng American Baylor College of Medicine at Puno ng National School of Tropical Medicine, na sa kabila ng malubhang kalagayang epidemiko sa Amerika, di pa rin sapat ang nagawa ng pamahalaan sa aspekto ng pagpigil sa pagkalat ng corona virus.
Ipinahayag naman ni Bill Gates, co-chair ng Bill & Melinda Gates Foundation, na nakakagulat ang kawalang-kakayahan ng pamahalaang Amerikano sa pagsusuri sa corona virus.
Aniya, napakabagal ng kasalukuyang porma ng pagsusuri.
Salin: Lito