Ipinahayag sa Beijing nitong Martes, Agosto 11, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na inaasahan ng Tsinang igigiit ng iba't-ibang panig ang multilateralismo sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon at susuportahan ang mahalagang papel ng World Health Organization (WHO) sa kooperasyong pandaigdig laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ipinahayag ni Zhao na bilang pinaka-awtorisado at pinakapropesyonal na organong pandaigdig sa larangan ng pampublikong kaligtasang pangkalusugan sa buong mundo, mayroong di-mahahalinhang papel ang WHO sa pagharap ng daigdig sa epidemiya.
Diin niya, ang pagsuporta sa WHO, ay pagsuporta sa pandaigdigang kooperasyon laban sa epidemiya at pagsuporta sa pagliligtas ng mga buhay.
Ito ay malawakang komong palagay ng komunidad ng daigdig, aniya pa.
Salin: Lito