Ulat ng U.S.-China Business Council: relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika, mayroon pa ring positibong tunguhin

Share with:

Inilabas nitong Martes, Agosto 11, 2020 ng U.S.-China Business Council ang ulat ng imbestigasyon sa kapaligirang komersyal ng Tsina sa taong 2020.

Anang ulat, kahit lumitaw ang pagbabago sa relasyong Sino-Amerikano dahil sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), hindi lumisan sa Tsina ang mga kompanyang Amerikano, bagkus ay optimistiko ang kanilang pagtanaw sa komersyo ng Tsina sa darating na 5 taon.

Mayroon pa ring positibong dulot sa relasyong Sino-Amerikano ang pandemiya at mga elementong pulitikal, dagdag ng ulat.

Ayon pa rito, napakahalaga para sa nasabing konseho at mga kasaping kompanya ang pagbalik sa matatag at konstruktibong landas ng relasyong Sino-Amerikano.

Tinukoy nitong sapul nang lumagda ang dalawang bansa sa phase one trade deal, positibo o medyo positibo ang pakikitungo ng 88% surveyed firms sa naturang kasunduan.

Ipinalalagay naman ng 86% surveyed firms na ang maigting na bilateral na relasyong pangkalakalan ay nakaapekto sa kanilang negosyo sa Tsina.

Kaugnay nito, sinabi nang araw ring iyon ni Craig Allen, Tagapangulo ng naturang konseho, na ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng Tsina at Amerika ay nakalikha ng halos 2.6 milyong hanap-buhay sa Amerika.

Aniya, sa darating na ilang taon, kailangang panatilihin at dagdagan ang mas maraming hanap-buhay, at hanapin ang paraan para mabawasan ang alitan ng kapuwa panig sa iba pang larangan.

Salin: Vera

Please select the login method