Inaprubahan kamakailan ng Tsina ang pagpasok ng mamamahayag ng National Broadcasting Company (NBC) ng Amerika sa Wuhan Institute of Virology (WIV) para sa panayam.
Kaugnay nito, inilathala sa Twitter ni Morgan Ortagus, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na "hindi ibinunyag ng NBC ang katotohanan."
Aniya pa, mas gustong proteksyunan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang imahe nito sa halip na iligtas ang buhay ng mga mamamayan.
Tungkol dito, ipinahayag sa Beijing nitong Martes, Agosto 11, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang ignigiit ng CPC ang pagpapauna sa buhay at kapakanan ng mga mamamayan.
Ito aniya ang dahilan kung bakit malaki ang natamong bunga ng pamahalaang Tsino laban sa pinakamalaking pagsubok ng kasalukuyang panahon at kasaysayan.
Ani Zhao, ang paraang ito ay may napakalinaw na kaibahan sa iginigiit na "pagpapauna ng pribadong kapakanang pulitikal" ng Amerika.
Sinabi pa ni Zhao na sa kasalukuyan, lumampas sa 5 milyon ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika, at mahigit 160 libo naman ang bilang ng mga nasawi.
Ang buong sikap na pakikibaka laban sa epidemiya at pagliligtas ng buhay ng mga mamamayan ay talagang karapat-dapat na gawain ng Amerika sa halip ng paulit-ulit na pagbabaling ng sisi sa iba, diin ni Zhao.
Salin: Lito