Sinabi nitong Miyerkules, Agosto 12, 2020 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO) na kahit karamihang sa mga kabataan ay hindi nabibilang sa grupong may mataas na panganib ng pagkahawa sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sila ay may mahalagang papel sa pagpigil ng pagkalat ng pandemiya.
Winika niya ito sa kanyang talumpati sa online forum ng International Youth Day na magkasamang itinaguyod ng WHO at United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO).
Saad ni Ghebreyesus, ang malubhang epekto ng pandemiya ng COVID-19 sa kinabukasan ng mga kabataan ay hindi lamang nanggagaling sa virus, kundi nagpapakita rin sa mga aspektong gaya ng kabuhayan, hanap-buhay, edukasyon, pangkalahatang sistema ng kalusugan, at iba pa.
Nanawagan siya sa mga kabataan na lubos na unawain ang pandemiya, at gawin ang kaukulang pangangalaga sa kalusugan.
Hinimok din niya ang iba't ibang organisasyon at pamahalaan na pakinggan ang kuru-kuro ng mga kabataan, at i-enkorahe ang mga kabataan na sumali sa mga gawain ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.
Kahapon, Agosto 12, ay International Youth Day, at dahil sa pandemiya ng COVID-19, ang tema sa kasalukuyang taon ay "Youth Engagement for Global Action."
Salin: Vera