Bilang pagbati sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republic of Indonesia, isang mensahe ang ipinadala ngayong araw, Lunes, ika-17 ng Agosto 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Joko Widodo ng Indonesya.
Sinabi ni Xi, na sa kasalukuyan, nananatiling mainam ang relasyon ng Tsina at Indonesya, at hinahangaan niya ang magkasamang paglaban ng dalawang bansa sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pagpapasulong ng kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, pangangalaga sa multilateralismo, at iba pa.
Ipinahayag din ni Xi ang lubos na pagpapahalaga sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Indones.
Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang dalawang bansa, para pagtagumpayan ang COVID-19, at walang humpay na pasulungin ang komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Indonesya.
Nang araw ring iyon, magkahiwalay namang nagpadala ng mensahe sina Premyer Li Keqiang at Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, kina Pangulong Joko Widodo at Ministrong Panlabas Retno Marsudi ng Indonesya, bilang pagbati sa nasabing pagdiriwang.
Salin: Liu Kai