Ngayong araw, Agosto 19 ay Chinese Doctors' Day na may temang "Pagpapalaganap ng Diwa ng Paglaban sa COVID-19 at Pangangalaga sa Kalusugan ng mga Mamamayan."
Sa gitna ng pakikibaka laban sa pandemiya ng COVID-19, pinapangalagaan ng mga tauhang medikal ng Tsina hindi lamang ang kalusugan ng mga mamamayang Tsino, kundi iginigiit din ang pl ideya ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan at makataong diwa, magkakasunod na ipinadala ng Tsina ang mga grupo ng ekspertong medikal sa mga apektadong bansa ng epidemiya para tulungan sila sa pagpigil at pagkontrol ng epidemiya.
Ayon sa estadistika, sapul nang sumiklab ang COVID-19, ibinahagi na ng Tsina ang plano ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya at panggagamot sa iba't-ibang bansa at mahigit 10 organisasyong panrehiyon at pandaigdig. Bukod dito, ipinadala ng Tsina ang mahigit 10 grupong medikal sa mga bansang gaya ng Pilipinas, Cambodia, Italya, Peru at Sudan.
Salin: Lito