Mars probe ng Tsina, nagbiyahe ng mahigit 100 milyong kilometro

Share with:

Ayon sa impormasyon ng China National Space Administration (CNSA), hanggang alas-10:08 Biyernes ng umaga, Agosto 28, 2020, lumampas na sa 100 milyong kilometro ang kabuuang layo ng nilipad ng Mars probe Tianwen-1 ng Tsina.

Sa kasalukuyan, matatag ang kondisyon ng Mars probe, at natapos na ang self-checks ng mga payload nito na kinabibilangan ng Mars magnetometer, Mars mineralogy spectrometer at high-resolution camera.

Halos 36 araw nang lumilipad sa kalawakan ang Tianwen-1, at nasa 10.75 milyong kilometro ang layo nito sa mundo.

Salin: Vera

Please select the login method