Mula kahapon hanggang ngayong araw, Agosto 28 at 29, 2020, ipinatawag sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ika-7 talakayan tungkol sa mga gawain sa Rehiyong Awtonomo ng Tibet.
Binigyang-diin ni Xi, na ang mga gawain sa Tibet ay priyoridad ng mga usapin ng sosyalismong may katangiang Tsino, awtonomiya sa mga rehiyong tinitirahan ng mga etnikong minorya, at pangangalaga sa unipikasyon ng bansa.
Hiniling din niyang itatag ang modernong Tibet, na may pagkakaisa ng iba't ibang etnikong grupo, maayos na mga suliraning panrelihiyon alinsunod sa batas, mabuting pamumuhay ng mga residente, at magandang kapaligirang ekolohikal.
Salin: Liu Kai