Olympic Museum, Tokyo—Nitong Lunes, Agosto 31, 2020, nasilayan ng publiko ang Olympic flame ng Tokyo Olympic Games.
Itatanghal dito ang Olympic flame nang 2 buwan, simula Setyembre 1.
Alang-alang sa pag-iingat kaugnay ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), iilang panauhin at media lamang ang inanyayahang dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng nasabing pagtatanghal.
Hindi naging maalwan ang biyahe ng Olympic flame. Sinindihan ito noong Marso 12, sa seremonyang hindi bukas sa publiko upang pigilan ang pagkalat ng virus, at dumating ng Tokyo noong Marso 20. Dahil sa pagpapaliban ng Olimpiyada, kinansela rin ang traditional torch relay. Noong Abril 2, sinimulan ang isang buwang pagtatanghal ng flame sa Fukushima, pero pangkagipitang nahinto ang pagtatanghal dahil sa deklarasyon na ilagay ang buong bansa sa state of emergency. Pagkatapos nito, ang Olympic flame ay itinago sa isang lihim na lugar.
Salin: Vera