Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na kasalukuyang nahaharap ang UN sa matindingà kahirapang pinansiyal, at umabot sa 1.52 bilyong dolyares ang arrears amount. Hinihimok din niya ang mga kasaping bansa na agarang magbayad ng kanilang membership dues para suportahan ang pagtatapos ng UN ng tungkulin nito sa taong ito.
Kaugnay nito, tinukoy sa Beijing nitong Biyernes, Setyembre 4, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang ikalawang pinakamalaking nagaambag sa UN, binayaran na ng buo ang membership dues ng Tsina sa UN sa taong ito, bagay na nagpapakita ng suporta nito sa UN sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Sinabi ni Hua na patuloy at mataimtim na ipapatupad ng panig Tsino ang karapat-dapat na obligasyon nito sa UN bilang isang umuunlad na bansa.
Sinabi rin niya na ang kasalukuyang taon ay ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN. Aniya, ang paggigiit ng multilateralismo at pangangalaga sa nukleong papel ng UN sa mga suliraning pandaigdig ay angkop sa komong kapakanan ng iba't-ibang panig.
Nakahanda ang panig Tsino na aktibong suportahan kasama ng iba't-ibang bansa, ang mga gawain ng UN para magkakasamang mapasulong ang pagpapatingkad ng UN ng mas malaking papel sa pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.
Salin: Lito