2020 China International Fair for Trade in Services, ginaganap; Pangulong Tsino, bumigkas ng talumpati

Share with:

2020 China International Fair for Trade in Services, ginaganap; Pangulong Tsino, bumigkas ng talumpati

Beijing — Sa pamamagitan ng video link, bumigkas ng talumpati nitong Biyernes, Setyembre 4, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Global Trade in Services Summit ng 2020 China International Fair for Trade in Services.

Sinabi ni Xi na sa kasalukuyan, hindi pa komprehensibong nakontrol ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Kasalukuyan aniyang kinakaharap ng iba't-ibang bansa ang napakahirap na tungkulin ng pakikibaka laban sa epidemiya, pagpapatatag ng kabuhayan, at paggarantiya sa pamumuhay ng mga mamamayan.

Ani Xi, sa kalagayang ito, napawi ng Tsina ang napakaraming kahirapan at itinaguyod ang isang malaking pandaigdigang aktibidad na pangkabuhayan at pangkalakalan para mahikayat ang iba't-ibang bansa na magkakasamang magsikap upang makahulagpos sa mga kahirapan, mapasulong ang kaunlaran at kasaganaan ng pandaigdigang kalakalang pangserbisyo, at mapasulong ang pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig sa lalong madaling panahon.

Sinabi pa ng pangulong Tsino na palalawakin ng Tsina ang base ng pagluluwas ng espesyal na serbisyo, at pauunlarin ang bagong industriya at modelo ng kalakalang pangserbisyo.

Ani Xi, nakahanda ang Tsina na palakasin kasama ng iba't-ibang bansa, ang pagkokoordinasyon ng makro-polisya, pabilisin ang kooperasyong pandaigdig sa larangang digital, palakasin ang pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR), at aktibong pasulungin ang digital economy para magkakasamang pakinabangan ang masiglang pag-unlad ng kabuhayan at mapasulong ang walang tigil na pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.

Dagdag pa niya, upang mas mabuting mapatigkad ang namumunong papel ng Beijing sa pagbubukas ng industriyang pangserbisyo ng Tsina, susuportahan ng pamahalaang Tsino ang Beijing sa pagtatatag ng comprehensive demonstration zone ng pambansang industriyang pangserbisyo.

Salin: Lito

Please select the login method