Mahigit 18 milyong mahihirap na pasyente sa Tsina, tumanggap ng mabisang panggagamot; lahat ng mahihirap na populasyon, sumasailalim ng pundamental na medical insurance

Share with:

Ipinahayag nitong Sabado, Setyembre 5, 2020 ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina na sapul nang isagawa ng bansa ang programang pangkalusugan at medikal na naglalayong bigyang-tulong ang mahihirap, mahigit 18 milyong mahihirap na pasyente sa buong bansa ang nakatanggap ng mabisang panggagamot, at sumasailalim ngayon sa pundamental na medical insurance ang lahat ng mahihirap na populasyon.

Nitong nakalipas na ilang taon, inilunsad ng mga kaukulang departamento ng Tsina ang isang serye ng mga patakaran at hakbangin para bigyang-tulong ang mahihirap na pasyente.

Ang mga hakbangin ay kinabibilangan ng pagbibigay-subsidiya sa gastos ng mahihirap sa labas ng medical insurance, pag-aalis sa limitasyon sa proporsyon ng pagbabayad ng medical insurance at iba pa.

Salin: Vera

Please select the login method