Xi Jinping, ipinahayag ang pagbati sa mga guro sa bisperas ng Araw ng mga Guro ng Tsina

Share with:

Sa bisperas ng Araw ng mga Guro ng Tsina, Setyembre 10, ipinahayag ni Xi Jinping, Pangulong Tsino, ang pagbati at pangungumusta sa mga guro at manggagawa sa larangan ng edukasyon ng buong bansa.

Pinapurihan ni Xi ang pagsisikap na ginawa ng mga guro sa harap ng mga kahirapang dulot ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), para ipagpatuloy ang pagtuturo sa mga estudyante sa pamamagitan ng online teaching.

Dagdag ni Xi, iniaalay din ng maraming guro ang kanilang pagmamahal at karunungan, para turuan ang mga bata sa mga mahihirap na lugar. Ito aniya ay malaking ambag sa usapin ng pagpawi ng karalitaan sa buong Tsina.

Hinimok din ni Xi ang higit na pag-aalaga sa mga guro, at binigyang-diin niyang ang pagtuturo ay dapat maging pinaka-respetado at pinaka-hinahangaang propesyon sa lipunan.

Salin: Liu Kai

Please select the login method