Beijing — Ipininid nitong Miyerkules, Setyembre 9, 2020 ang 2020 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS).
Sa peryang ito, 240 kontrata at kasunduan ang nalagdaan.
Sinabi ni Xian Guoyi, Puno ng Departamento ng Kalakalang Panserbisyo ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na pangangalagaan at mabuting pa-u-unlarin ng Tsina ang narating na pagkakasundo hinggil sa pagbubukas at pagtutulungan sa nasabing perya para makalikha ng magandang kapaligiran sa pag-unlad ng kalakalang panserbisyo.
Ayon sa estadistika, 5,372 bahay-kalakal na Tsino at dayuhan ang nagtatag ng kanilang on-line exhibition booth, 32 on-line conference at 173 on-line live conference ang isinagawa, at 1,870 proyekto ang inilabas on-line na plataporma.
Salin: Lito