Noong Hunyo 29, 2020, ipinahayag ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, at ini-ulat ng Associated Press ng Amerika, na isinagawa di-umano ng pamahalaang Tsino ang pag-isterilisa sa mga babae, upang kontrolin ang paglaki ng bilang ng lahing Uygur at iba pang etnikong grupo.
Kaugnay nito, sa kanyang artikulong inilabas Lunes, Setyembre 14, 2020 sa official website ng Xinjiang University, tinukoy ni Lin Fangfei, Asistenteng Propesor ng Instituto ng Pulitika at Pangangasiwang Pampubliko ng Xinjiang University, na sapul noong 2010, lumitaw ang tunguhin ng pagbaba ng natural na paglaki ng populasyon ng Xinjiang, pero ang ganitong tunguhin ay nagpapakita ng napakalaking pagsisikap at natamong tagumpay ng Tsina sa pagpapasulong sa patakaran ng pangangasiwa sa karapatan at kapakanan ng mga babae at kabataan sa rehiyon ng pambansang minorya nitong nakalipas na mahabang panahon.
Saad ni Lin, ito ay pagbabagong kusang-loob na pinili ng mga kababaihan ng mga etnikong grupo, sa ilalim ng kalagayan ng pangmalayuang katatagan at pagbuti ng kabuhaya't lipunan ng Xinjiang, at walang humpay na pagpapasulong ng pamahalaan sa iba't ibang hakbangin ng paggarantiya sa karapatan at kapakanan ng kababaihan.
Pero dahil sa pagkiling na ideolohikal at ilang espesyal na tangka, niluto ng ilang bansa at organo ng pananaliksik ang iba't ibang kasinungalingan, sa pamamagitan ng pagsusog sa mga datos, dagdag ni Lin.
Nananalig siyang sa pagpapasulong ng patakaran sa pagkakapantay-patay ng mga lahi ng Tsina, magiging mas masagana at matatag ang Xinjiang, at magiging maligaya rin ang pamumuhay ng mga mamamayan ng iba't ibang lahi.
Salin: Vera