Jakarta — Ipinahayag nitong Lunes, Setyembre 14, 2020 ni Deng Xijun, Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na patuloy at matatag na kakatigan ng Tsina at ASEAN ang multilateralismo at malayang kalakalan. Patuloy aniyang pananatilihin ng dalawang panig ang mahigpit na kooperasyon para ibayo pang mapasimple ang kooperasyong pangkalakalan at pangkabuhayan ng dalawang panig.
Ayon sa estadistika, pagpasok sa kasalukuyang taon, sa kabila ng negatibong epekto ng pandemiya ng COVID-19, nananatiling malakas ang paglaki ng kooperasyong Sino-ASEAN sa kalakalan at pamumuhunan. Noong unang 8 buwan ng taong ito, umabot sa 2.93 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga paninda ng Tsina at ASEAN. Ito ay mas malaki ng 7% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ang ASEAN ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng Tsina bilang kahalili sa Unyong Europeo (EU).
Ani Deng, ito ay nagpapakita ng napakalakas na pleksibilidad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Positibong ambag ang ibinibigay nito para sa pag-ahon ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig, aniya pa.
Salin: Lito