Unang Ginang ng Tsina: Pagbibigay lakas sa kakayahan ng mga kababaihan sa daigdig, laging iminumungkahi at isinusulong ng Tsina

Share with:

Ginanap Miyerkules, Setyembre 16, 2020 sa Beijing ang talakayan sa usapin ng sangkatauhan sa pagpawi ng kahirapan at papel ng mga kababaihan sa Ika-21 siglo. Ang aktibidad na ito ay idinaos bilang paggunita sa ika-25 Anibersaryo ng Fourth World Conference on Women at Ika-5 Anibersaryo ng Global Leaders' Meeting on Gender Equality and Women's Empowerment.

Sa pamamagitan ng video link, bumigkas ng talumpati si Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina.

Saad ni Peng, ang naturang dalawang konperensya ay kapuwa mahalagang milestone ng usapin ng pag-unlad ng kababaihan, at nagbunsod ng malalimang impluwensiya para sa paggarantiya sa karapatan ng kababaihan, at pagsasakatuparan ng liberalisasyon at progreso ng kababaihan. Nitong nakalipas na 25 taon, may positibong progreso ang pandaigdigang usapin ng kababaihan, at walang humpay na bumuti ang kapaligiran ng pamumuhay at pag-unlad ng kababaihan.

Ani Peng, laging aktibong iminumungkahi at puspusang isinusulong ng Tsina ang pandaigdigang usapin ng kababaihan at pagpawi sa kahirapan.

Nanawagan siya sa mga personahe ng iba't ibang bansa at sirkulo na palaganapin ang diwa ng naturang dalawang konperensya, at magkakapit-bisig na magsikap, upang mapasulong ang kontruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

Salin: Vera

Please select the login method