Inilabas Setyembre 17, 2020, ng pamahalaang Tsino ang White Paper sa Pagtatrabaho at Karapatan ng Manggagawa sa Xinjiang.
Sa pamamagitan ng dalawang masusing salita na "paggalang sa mithiin" at "paggarantiya ng karapatan", komprehensibong inilahad ng white paper ang kalagayan ng pagtatrabaho sa Xinjiang.
Dahil sa idelohikal na bias at presyur ng halalang pampanguluhan, walang tigil na ikinakalat kamakailan ng ilang politikong Amerikano ang kasinungalingang "ginigipit ang mga manggagawa ng Xinjiang". Ang naturang white paper ay malakas na tugon sa Amerika, lubos na nagpapakita na ang mga pananalita ng Amerika ay malubhang lumabag sa katotohanan.
Tinukoy ng white paper na nagiging mas mayaman at mas maligaya ang pamumuhay ng mga mamamayan ng Xinjiang salamat sa mga patakaran sa pagtatrabaho na ipinalabas ng pamahalaang Tsino.
Pero, isinagawa ng ilang politikong Amerikano ang double standards, pinagkakalat ang paninirang-puri sa pamahalaang Tsino.
Sa isang banda, sinabi nilang isinasaalangalang nila ang isyu ng karapatang pantao sa Xinjiang. Pero sa kabilang banda, isinagawa nila ang sanksyon sa mga kumpanyang Xinjiang.
Ang magkasalungat na aksyon ng Amerika ay nagpapakita na ang ilang politikang Amerikano ang siyang yumuyurak sa karapatang pantao sa Xinjiang.
Salin:Sarah