Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ni Terry Edward Branstad , Embahador ng Amerika sa Tsina, na nitong ilampung taong nakalipas, natamo ng Tsina ang kapansin-pansing progreso sa pag-unlad. Aniya, ang etika sa trabaho ng mga mamamayang Tsino, pagpapahalaga nila sa edukasyon at pamilya, at diwa ng pagnenegosyo, ay nakakapagpasulong sa pag-unlad ng bansa.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Biyernes, Setyembre 18, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa regular na presscon sa Beijing na ang natamong bunga ng pag-unlad ng Tsina ay aktuwal na nagagawa ng mga mamamayang Tsino sa pamamagitan ng kanilang diwa ng kasipagan, katalinuhan at inobasyon.
Hinahangaan din ni Wang ang nasabing paniniwala ni Branstad, ani Wang.
Salin: Lito