Si Gao Fu, Direktor ng Chinese Center for Disease Control and Prevention
Naitatag na ng Tsina ang Pambansang Sentro ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) upang mas mabuting harapin ang pandemiyang ito ayon sa pahayag nitong Biyernes, Setyembre 18, 2020 ni Gao Fu, Direktor ng Chinese Center for Disease Control and Prevention (CDC).
Ayon kay Gao, mamamahala ang nasabing sentro sa pangongolekta ng virus at genome sequence. Bukod dito, isasagawa nito ang mga kaukulang gawain ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19 na gaya ng pagsasanay, pandaigdigang kooperasyon, pakikipagkoordina sa mga aksyon ng bansa, at pagbalangkas ng pambansang pamantayan.
Salin: Lito