Ikalawang orbital correction ng Tianwen-1 Mars probe ng Tsina, isinagawa

Share with:

Ayon sa China National Space Administration, matagumpay na isinagawa, alas-11 kagabi, Beijing Time, Linggo, ika-20 ng Setyembre 2020, ang ikalawang orbital correction ng Tianwen-1 probe ng Tsina, sa biyahe nito papuntang Mars.

Ayon sa salaysay, ang naturang orbital correction ay isinagawa sa ilalim ng pagkontrol mula sa mundo.

Pagkaraang tanggapin ang instruksyon, tumakbo sa loob ng 20 segundo ang apat na 120N engine sa probe, para isagawa ang orbital correction.

Ito rin ay pagsubok sa pagtakbo ng naturang mga makina.

Sa kasalukuyan, 60 araw nang lumilipad sa kalawakan ang Tianwen-1 probe at nakapaglakbay na ito ng halos 160 milyong kilometro.

Samantala, ang diretsong distansiya ng probe mula sa Mundo ay 19 na milyong kilometro at nasa maayos na kalagayan ang lahat ng sistema nito.

Salin: Liu Kai

Please select the login method