Gaganapin sa Setyembre 30, 2020 ang summit ng United Nations (UN) hinggil sa biodiversity.
Sa bisperas ng okasyong ito, magkasanib na inilabas ng Ministring Panlabas at Ministri ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina ang position paper na pinamagatang "Building a Shared Future for All Life on Earth: China in Action."
Inilahad ng nasabing dokumento ang mga karanasan, natamong bunga at paninindigan ng Tsina sa pangangalaga sa biodiversity, sa mga aspektong gaya ng kaisipan sa sibilisasyong ekolohikal, mga patakaran at hakbangin sa loob ng bansa, pagpapasulong sa sustenableng pag-unlad, malawakang pakikilahok ng buong lipunan, pandaigdigang pangangasiwa sa biodiversity, pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan at iba pa.
Tinukoy ng dokumento na patuloy na igigiit ng Tsina ang ideya ng berdeng pag-unlad, at walang humpay na pasusulungin ang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal.
Bilang bansang tagapagtaguyod ng Ika-15 Komperensya ng mga Partido ng Convention on Biological Diversity (CBD), aktibong gagawin ng Tsina ang paghahanda para sa nasabing komperensya.
Kasama ng iba't ibang bansa, nakahanda ang Tsina na pasulungin ang ambisyoso, balanse at may pragmatikong bungang komperensya, tungo sa magkakapit-bisig na pagtatatag ng isang masigla, malinis at maunlad na daigdig.
Salin: Vera