Ipinahayag nitong Linggo, Setyembre 20, 2020 ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran na bunsod ng ipinapataw na kasukdulang presyur ng Amerika laban sa Iran, "labis na ibinubukod" ng Amerika ang sarili nito sa aspekto ng pulitika at batas.
Aniya, kung ipagpapatuloy ng Amerika ang hegemonikong kilos laban sa Iran, kakaharapin nito ang "matinding reaksyon" mula sa Iran.
Sa isang pahayag na inilabas kamakailan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, sinabi niya na ayon sa mekanismo ng "mabilis na pagpapanumbalik ng sangsyon" sa ilalim ng resolusyon ng United Nations Security Council (UNSC) bilang 2231, bago magkabisa ang Kasunduan sa Isyung Nuklear ng Iran, napanumbalik ang bisa ng sangsyon ng UN laban sa Iran ganap na 20:00H, Setyembre 19, 2020 (Eastern Standard Time).
Salin: Lito