Sa kanyang talumpati sa pangkalahatang debatehan ng Ika-75 Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) nitong Martes, Setyembre 22, 2020, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay hindi lamang pagsubok sa kakayahang mamahala ng iba't ibang bansa, kundi pagsubok din pandaigdigang sistema ng pamamahala.
Nanawagan siyang igiit ang multilateralismo, at pangalagaan ang sistemang pandaigdig na ang nukleo nito ay United Nations (UN).
Saad ni Xi, ang global governance ay dapat umayon sa simulain ng magkasamang pagtalakay, pagtatatag at pagbabahagi, pasulungin ang patas na karapatan, pagkakataon at alituntunin ng iba't ibang bansa, at sundin ang agos ng kasaysayan na nagsusulong sa kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at win-win results.
Salin: Vera