Sinabi nitong Martes, Setyembre 22, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na normal ang pangingibabaw ng pagkakaiba sa pagitan ng mga bansa, at dapat maayos na resolbahin ito, sa pamamagitan ng diyalogo at negosasyon.
Ani Xi, puwedeng may kompetisyon sa pagitan ng mga bansa, pero dapat maging positibo ang kompetisyon.
Dapat ipakita ng malalaking bansa ang kani-kanilang pananagutan, isabalikat ang kani-kanilang responsibilidad, at ipagkaloob ang mas maraming pandaigdigang produktong pampubliko, dagdag ni Xi.
Ang nasabing pahayag ay ibinahagi ni Xi sa kanyang talumpati sa pangkalahatang debatehan ng Ika-75 Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN).
Salin: Vera