Ipinatawag kahapon, Martes, ika-22 ng Setyembre 2020, sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang talakayan kasama ng mga kinatawan mula sa mga sektor ng edukasyon, kultura, kalusugan, at palakasan, para pakinggan ang kanilang mga kuro-kuro at mungkahi sa pagbalangkas ng ika-14 na panlimahang-taong plano tungkol sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan mula 2021 hanggang 2025.
Binigyang-diin ni Xi, na mahalaga ang naturang mga sektor, at ang mas mabuting pag-unlad ng mga ito ay makakatulong sa mas mainam na pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan para sa mas maligaya at ligtas na pamumuhay.
Sa naturang kalagayan, iniharap ng 10 kintawan ang kani-kanilang mga kuro-kuro at mungkahil tungkol sa reporma sa edukasyon, pagpapatuloy ng mga tradisyonal na kultura, paghubog ng mas maraming tauhang medikal, pagpapasulong ng usaping pampalakasan, at iba pa.
Salin: Liu Kai