Sa pangkalahatang debatehan ng Ika-75 Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) nitong Martes, Setyembre 22, 2020, bumigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Diin ni Xi, bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, tumatahak ang Tsina sa landas ng mapayapa, bukas, kooperatibo't komong pag-unlad. Magpakailanma'y hindi maghahangad ang Tsina ng hegemonismo, tututulan ang ekspansyon, hindi itatatag ang sariling rehiyon ng impluwensiya, at walang intensyong isasagawa ang cold war o hot war laban sa anumang bansa.
Aniya, iginigiit ng Tsina ang pagresolba sa mga alitan sa pamamagitan ng diyalogo at talastasan. Unti-unting bubuuin ng bansa ang bagong kayarian ng pag-unlad na ang mahalagang elemento ay domestic circulation, at maaaring pasulungin ng isa't isa ang domestic at international circulations. Ito aniya ay hindi lamang lilikha ng espasyo para sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino, kundi magpapasigla rin ng lakas-panulak para sa pagbangon at paglago ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera