Isiniwalat nitong Miyerkules, Setyembre 23, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na itataguyod ng United Nations Security Council (UNSC) sa Setyembre 24 ang virtual meeting na may temang "Pangangalaga sa Kapayapaan at Seguridad ng Daigdig: Pangangasiwa sa Buong Mundo sa Post-COVID Era."
Saad ni Wang, dadalo sa nasabing pulong si Wang Yi, Espesyal na Kinatawan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Ministrong Panlabas ng bansa.
Ani Wang, sa kasalukuyan, ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at sentenaryong pagbabago ay malalimang nakakaapekto sa pag-unlad ng lipunan ng sangkatauhan, at sa ilalim ng ganitong kalagayan, may mahalaga't positibong katuturan ang mungkahi ng Niger, kasalukuyang tagapangulo ng UNSC, sa pagtataguyod ng nasabing pulong.
Dagdag niya, aktibong sasali sa nasabing pulong ang panig Tsino, at pasusulungin, kasama ng ibang kasapi ng UNSC, ang pagtatamo ng pulong ng positibong bunga, at pagpapadala ng signal ng pangangalaga sa multilateralismo at pagpapalakas ng papel ng UN.
Salin: Vera