Ipinatalastas nitong Miyerkules, Setyembre 23, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dadalo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa espesyal na virtual meeting ng mga ministrong panlabas ng mga kasaping bansa ng Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA) na gaganapin sa Setyembre 24.
Malalimang tatalakayin ni Wang, kasama ng mga kinatawan ng ibang kasaping bansa, ang mga isyung gaya ng magkakasamang paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), kalagayang panrehiyon at pandaigdig, kooperasyon ng CICA sa iba't ibang larangan at iba pa.
Saad ni Wang, pinakamalaki ang saklaw, pinakamarami ang bilang ng mga miyembro, at pinakamalakas ang pagkatawan ng CICA sa Asya.
Sapul nang itatag ito, nagpupunyagi ang CICA para sa pagpapahigpit ng pagtitiwalaan at pagtutulungan ng iba't ibang bansa, at gumawa ito ng positibong ambag sa pagpapasulong sa kapayapaan at kaunlaran ng kontinente.
Salin: Vera