Hindi nais ng Tsina ang kasalukuyang mga kahirapan sa relasyong Sino-Kanadyano. Hinihimok ng Tsina ang Kanada na tumahak patungo sa parehong layunin kasama ng Tsina, at aktuwal na magsikap para sa pagpapanumbalik ng relasyon ng dalawang bansa sa normal na landas.
Ito ang ipinahayag Setyembre 23, 2020, sa regular na preskon, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Samantala, sa Porum ng Kanada at Tsina sa Patakarang Pangekonomiya na inorganisa kamakailan ng University of Alberta, sinabi ni Dominic Barton, Embahador ng Kanada sa Tsina, na ang pokus ngayon ng daigdig ay nasa Asya.
Ayon pa sa kanya, dapat mas magsikap ang Kanada sa pagpapa-unlad ng relasyon sa Tsina.
Malaki aniya ang papel ng Tsina sa kinabukasan, at tiyak na matatamo ang maraming bunga kung magkokooperasyon ang Kanada at Tsina.
Ang taong ito ay Ika-50 anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Kanada.
Ayon kay Wang, lubos na ipinakikita ng 50 taong pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Kanada na ang malusog at matatag na relasyon ng dalawang bansa ay angkop sa komong kapakanan ng mga mamamayan ng kapuwang panig.
Dapat samantalahin ng Tsina at Kanada ang pinsipyo ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa isa’t isa, para panatilihin ang matatag at pangmalayuang relasyon ng dalawang bansa, dagdag pa ni Wang.
Salin:Sarah