Virtual meeting hinggil sa pag-unlad ng populasyon at paggarantiya sa karapatang pantao sa Xinjiang, ginanap

Share with:

Ginanap nitong Huwebes, Setyembre 24, 2020 ang virtual meeting hinggil sa pag-unlad ng populasyon at paggarantiya sa karapatang pantao ng Xinjiang ng Tsina.

Nagpalitan ng kuru-kuro ang mga dalubhasa at iskolar ng kaukulang larangan mula sa Xinjiang University at Southwest University of Political Science & Law ng Tsina kaugnay ng tema ng pulong.

Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga kalahok na kapansin-pansin ang natamong tagumpay ng Xinjian sa pag-unlad ng populasyon at paggarantiya sa karapatang pantao, at ito ay pinakamalakas na tugon sa tikis na akusasyon ng iilang pulitiko at umano'y iskolar ng mga bansang kanluranin sa mga isyung may kinalaman sa Xinjiang.

Sa magkahiwalay na okasyon nauna rito, ginanap ang mga aktibidad hinggil sa paggarantiya sa karapatang pantao. Kabilang dito ay pandaigdigang simposyum hinggil sa paglaban sa terorismo, deradikalisasyon at paggarantiya sa karapatang pantao na ginanap noong Setyembre 17, at side event hinggil sa pagpapawi ng kahirapan at pagganrantiya sa karapatang pantao na ginanap noong Setyembre 21, sa panahon ng ika-45 komperensya ng United Nations Human Rights Council (UNHRC).

Salin: Vera

Please select the login method