CMG Komentaryo: Multilateralismo, muling sinira ng pangulong Amerikano sa kanyang talumpati sa UNGA

2020-09-25 15:00:34  CRI
Share with:

CMG Komentaryo: Multilateralismo, muling sinira ng pangulong Amerikano sa kanyang talumpati sa UNGA_fororder_20200925UN

  Ang taong 2020 ay ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng United Nations (UN). Samantala, patuloy pa rin ang pananalasa ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

  Sa kasalukuyang panahon, ang pagkakaisa at pagtutulungan para magkakasamang matugunan ang kahirapan at pagsubok ay pangmalawakang hangarin at pangangailangan ng komunidad ng daidig.

  Gayumpaman, mistulang pinapabayaan ang pandaigdig na hamon ng puno ng nag-iisang superpower ng mundo. Sa kanyang talumpati sa 2020 UN General Assembly, muling nang-udyok si Pangulong Donald Trump ng Amerika sa komprontasyon ng mga bansa sa pamamagitan ng pagsisinungaling at pagbubunton ng sisi sa iba. Higit pa rito, ipinangalandakan din niya ang di-umano’y tagumpay ng pamahalaang Amerikano sa paglaban sa epidemiya ng COVID-19. Taliwas naman ito sa napakalungkot na katotohanan na lampas na sa 200,000 ang bilang ng mga Amerikano na nasawi sa nakamamatay na virus.

  Sa kanyang bagong librong pinamagatang “Rage,” isiniwalat ni Bob Woodward, kilalang mamamahayag ng Washington Post, na sa kanyang panayam kay Trump noong unang dako ng Pebrero, 2020, sinabi ng pangulong Amerikano na “nakamamatay” ang COVID-19. Pero, upang muling mahalal, paulit-ulit na minamaliit niya ang krisis na dulot ng virus sa mga okasyong pampubliko. Masasabing ito ang pinakapangunahing dahilan na nauwi sa napakataas na bilang ng pagkahawa at pagkamatay sa Amerika, na nangunguna sa daigdig.

  Nakasaad naman sa isang artikulo kamakailan ng magasing Time na ang sunud-sunod na pagkabigo ng pangulong Amerikano sa pagkontrol sa epidemya ng COVID-19 ay tiyak na ilalakip sa kasaysayan.

  Taliwas sa ginawa ng pangulong Amerikano, ang iba pang mga lider ng daigdig ay nanawagan at nagpapahalaga sa multilateralismo at pagkakaisa sa kani-kanilang talumpati sa 2020 UNGA. Halimbawa, sinabi ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, na sa harap ng mga isyung gaya ng pangkagipitang situwasyong pangkalusugan at pagbabago ng klima, dapat umaksyon ang lahat simula ngayon at mismo. Binigyang-diin naman ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya na ang pagtugon sa pandaigdig na isyu ay dapat lumampas sa hanggahan at magkaroon ng pag-uunawaan at pagtutulungan sa iba’t ibang lebel. Itinuturing naman ang nasabing mga pahayag bilang pagpuna sa pangulong Amerikano na walang nabanggit na pangalan.

  Sana mapakinggan at sundin ng pangulong Amerikano ang panawagan sa kooperasyon sa halip ng pagkakawatak-watak.

  Salin: Jade

  Pulido: Mac

  

Please select the login method