Nagdesisyon nitong Linggo, Setyembre 27, 2020 ang District Court ng Distrito ng Columbia ng Amerika na pansamantalang palugitan ang pagpapatupad ng kautusang administratibo ng pamahalaan hinggil sa pag-aalis ng TikTok sa mga APP store ng Amerika.
Nauna rito, sa pamamagitan ng telepono, ginanap ang pagdinig hinggil sa kung pansamantalang palulugitan o hindi ang pagpapatupad ng nasabing kautusang adminsitratibo.
Sa pagdinig, pinakinggan ni Hukom Carl Nichols ang pahayag ng mga abugado ng TikTok at pamahalaang Amerikano, at ginawa ang ganitong hatol.
Pagkatapos nito, inilabas ng TikTok ang pahayag bilang pagtanggap sa nasabing hatol. Anito, patuloy silang makikipagdiyalogo sa pamahalaang Amerikano.
Ayon naman sa pahayag ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika, susundin nito ang naturang hatol, at agarang isinagawa ang kaukulang aksyon. Pero patuloy na aktibong pangangalagaan nito ang nabanggit na kautusang administratibo at kaukulang hakbangin.
Salin: Vera
标签:TikTok Ban sa TikTok sa mga APP store pinalugitan ng hatol ng hukumang Amerikano Radyo Internasyonal ng Tsina