Tsina, laging kapanalig ng malawak na masa ng mga umuunlad na bansa

2020-09-29 11:25:07  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Lunes, Setyembre 28, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na laging kapanalig ng malawak na masa ng mga umuunlad na bansa ang Tsina, at mataimtim na isasakatuparan ang serye ng mahahalagang hakbanging ipinatalastas kamakailan ni Pangulong Xi Jinping upang makapagbigay ng bagong ambag sa pandaigdigang kooperasyon sa pakikibaka laban sa pandemiya ng COVID-19, at usaping pandaigdig sa pagbabawas ng karalitaan.
 

Diin ni Wang, sa pamamagitan ng pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan,mapapasakamay ng lahat ang pinal na tagumpay sa pagdaigdigang pakikibaka laban sa pandemiya; mai-a-ahon ang mga umuunlad na bansa mula sa karalitaan; at makakamtan ang pinal na tagumpay sa pandaigdigang usapin ng pagbabawas ng karalitaan.

Salin: Lito

Please select the login method