Kabuhayang Tsino, matatag na umaahon — kilalang kompanya ng sasakyang de motor ng daigdig

2020-09-29 16:26:05  CMG
Share with:

Pormal na pinasinayaan, Setyembre 26, 2020 sa Beijing ang 2020 Beijing International Automotive Exhibition.
 

Sa kabila ng pagpapaliban ng pagdaraos ng eksbisyong ito mula nagdaang Abril tungo sa kasalukuyang buwan, nakakaakit pa ring lumahok dito ang maraming kompanya ng sasakyang demotor mula sa buong daigdig, at nakatawag ng malaking pansin ng ibat-ibang media.
 

Unibersal na ipinalalagay ng mga dayuhang media, na sa okasyon ng muling paglock-down ng mga lunsod ng Europa at paglampas sa 7 milyon ng bilang ng kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), lubos na ipinakikita ng eksbisyong ito ang natamong napakalaking tagumpay ng Tsina sa pakikibaka laban sa pandemiya.
 

Kasunod ng pag-ahon ng kabuhayang Tsino, nagiging mas masigla ang automotive market ng Tsina kumpara sa pamilihang Europeo at Amerikano.
 

Ayon sa Associated Press (AP), ang Tsina ay ang unang pangunahing ekonomiyang umuusbong mula sa pandemiya, at napakalaking pansin ang inuukol dito ng iba’t-ibang malaking pabrika ng sasakyan.
 

Ipinahayag ng AP na bilang pinakamalaking automotive market sa buong daigdig, nanumbalik na ang bolyum ng benta ng sasakyan sa Tsina sa lebel bago sumiklab ang pandemiya.
 

Sa kabilang dako, mahina pa rin ngayon ang automotive market sa Europa at Amerika, at ilang bilyong dolyares ang kapinsalaan sa kanilang automotive industry.
 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Jochen Goller, Presidente at Chief Executive Officer (CEO) ng BMW Group Region China, na ang 2020 Beijing International Automotive Exhibition ay simbolo ng pag-asa.

Ipinaabot din niya ang kanyang paggalang sa mga tauhang medikal ng Tsina.
 

Dahil aniya sa kanilang pagsisikap at sakripisyo, lumalahok ngayon ang mga automotive company sa eksbisyong ito.
 

Kamakailan, tinaya ng S&P Global Inc. (SPGI) na sa kasalukuyang taon, bababa ng halos 20% ang bolyum ng benta ng sasakyan de-motor sa buong daigdig.
 

Samantala, ipinahayag din nito na posibleng mapanumbalik ang pangmalayuang paglaki ng merkadong Tsino, particular ang muling pagtaas ng bolyum ng benta ng mga new energy electric vehicles sa huling hati ng taong ito.

Salin: Lito

Please select the login method