Pinal na layunin ng pamahalaang Amerikano hinggil sa TikTok, agawin ang nukleong teknolohiya - dalubhasa

2020-09-29 16:54:11  CMG
Share with:

  Inilabas Setyembre 27 ni Carl Nichols, Federal Judge sa Washington ang kautusan na pumipigil sa executive order (EO) ni Pangulong Donald Trump, na nag-u-utos sa mga app store ng Amerika na i-ban ang TikTok, kilalang video-sharing APP.

  Sa kanyang pagtatanggol, ipinahayag ni John Hall, abogado para sa TikTok na ang APP na may 100 milyong user na Amerikano ay “makabagong bersyon ng town square,” at ang pagpapasara nito ay katumbas ng pagsugpo sa kalayaan ng pagsasalita.

  Dagdag pa ni Hall, walang batayan ang akusasyong nakakapinsala sa pambansang seguridad ng Amerika ang naturang APP, at kontra ito sa sakdal ng EO ni Trump.

  Inakusahan din ng legal team ng TikTok na nagsasagawa ng "political-related animus" ang pangulong Amerikano para sa kampanyang panghalalan.

  Kaugnay ng naturang hatol, sinabi ni Qi Yue, inhinyero ng China Cybersecurity Review Technology and Certification Center, na bagamat pansamantalang nakahinga ng maluwang ang TikTok, hindi pa rin ito tuluyang ligtas, dahil kabilang pa rin sa nasabing EO ni Trump ang iba pang restriksyon na naka-iskedyul na magkabisa sa darating na Nobyembre 12, kung saan, pagbabawalan ang mga kompanyang Amerikano na magkaloob ng Internet hosting at services para sa TikTok.

  Ayon sa pahayag ng TikTok na inilabas Setyembre19, napagkasunduan sa prinsipyo ng ByteDance (parent company ng TikTok), kasama ng Oracle at Walmart, na mararating ang kasunduan sa lalong madaling panahon, alinsunod sa mga batas na Tsino at Amerikano.

  Kaugnay nito, sinabi ni Qi na magkakaiba ang na-i-ulat na pahayag ng mga may-kinalamang panig hinggil sa nabanggit na kasunduan, lalo na sa larangan ng paglilipat ng teknolohiya at pagmamay-ari.

  Ayon sa pagtaya ni Qi, kung ihahambing sa mga katulad na kaso, at titignan ang pinakahuling pangyayari sa kaso ng TikTok, ang pinal na target ng pamahalaang Amerikano ay pag-agaw sa nukleong teknolohiya at pangkalatang pagmamay-ari ng TikTok.

  Salin: Jade

  Pulido: Rhio

Please select the login method