CMG Komentaryo: Paniniil sa mga hay-tek na kompanyang Tsino, delikadong laro ng ilang pulitikong Amerikano

2020-09-30 15:48:53  CMG
Share with:

  Kasabay ng paniniil ng administrasyon ni Pangulong Donald Trump ng Amerika sa mga hay-tek na kompanyang Tsino na gaya ng Huawei, WeChat at TikTok, nangingibabaw ang panunulsol ng mangilan-ngilang pulitikong Amerikano hinggil sa paghihiwalay o decoupling na panteknolohiya sa Tsina.

  Sa kanyang artikulong pinamagatang “Righteous anger from the US will not win the tech war with China,” ipinahayag ni James Kynge, mamamahayag ng Financial Times na hindi mapipigilan ng sangsyong panteknolohiya ng Amerika ang pag-unlad na pang-industriya ng Tsina.

  Sa pangmalapitan man o sa pangmalayuang pananaw, kung maghihiwalay o mag-de-decouple ang Tsina at Amerika, mas malaki ang malulugi sa panig Amerikano, diin ni Kynge.

  Ang restrkisyon ng adminsitrasyon ni Trump sa mga kompanyang Tsino ay nakakapinsala sa market share ng mga kompanyang Amerikano.

  Halimbawa, 65% ng kita ng Qualcomm, kilalang multinasyonal na korporasyong Amerikano ang galing sa pamilihang Tsino.

  Ayon sa pahayag ng Qualcomm nitong nagdaang Agosto, sa taong piskal 2019, tinatayang magkakaroon ng pinakamababang kita ang kompanya nitong pitong taong nakalipas, at ang pangunahing dahilan ay ang pagbawas ng order mula sa Tsina.

  Ang aksyon ng administrasyon ni Trump ay tinututulan din ng mga kompanyang Amerikano.

  Nitong ilang araw na nakalipas, mga 3,500 kompanyang Amerikano na gaya ng Tesla, Ford, Target, Walgreens, at The Home Depot ang nagsakdal sa administrasyon ni Trump dahil sa pagpapataw ng taripa sa mga panindang Tsino na nagkakahalaga ng 300 bilyong dolyares.

  Higit sa lahat, hindi mahaharangan ng sangsyon ng administrasyon ni Trump ang pag-unlad ng siyensiya’t teknolohiya ng Tsina, bagkus, magsisilbi itong lakas-panulak sa inobasyong panteknolohiya ng Tsina.

  Pinabibilis ngayon ng Tsina ang pananaliksik at pagdedebelop (R&D) sa mga nukleong teknolohiya at materyales.

  Sa kanyang artikulong pinamagatang “ ‘Decoupling’ the U.S. from China would backfire,” ipinahayag ni David Ignatius, kolumnista ng Washington Post na ang Estados Unidos at Tsina ay mayroong humihigpit na ugnayang kompetetibo, pero, kailangan nila ang isa’t isa, na parang hindi maihihiwalay na kambal.

  Ang bukas na pananaliksik ay nagpapagaling ng teknolohiya ng Amerika, at malaking kalokohan kung papahirapan ng bansa ang buhay at ng trabaho ng mga pinakamagaling na isip, dagdag pa ni Ignatius.

  Sana mapakingan ng administrasyon ni Trump ang naturang makatwirang panawagan.

  

  Salin: Jade

  Pulido: Rhio

  

Please select the login method