Amerika, pinakamalaking bansang pinangagalingan ng cyber attacks sa Tsina

2020-09-30 14:38:00  CMG
Share with:

Ipinahayag sa Beijing nitong Martes, Setyembre 29, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Tsina ay nananatili pa ring isa sa mga pangunahing nabiktimang bansa ng cyber attacks. Ang Amerika ay pinakamalaking bansang pinangagalingan ng cyber attacks sa Tsina, ani Wang.
 

Ipinagdiinan ni Wang na ang cyber attack ay komong hamong kinakaharap ng iba’t-ibang bansa. Palagiang naninindigan ang Tsina na sa pundasyon ng paggagalangan sa isa’t-isa at pagkakapantay-pantay, dapat palakasin ng iba’t-ibang bansa ang diyalogo at kooperasyon para magkakasamang harapin ang hamong ito.

Salin: Lito

Please select the login method