DFA Secretary Locsin, bumati sa Mooncake Festival at Pambansang Araw ng Tsina; pagpapalalim ng relasyong Pilipino-Sino, mahalaga

2020-09-30 10:50:02  CMG
Share with:

DFA Secretary Locsin, bumati sa Mooncake Festival at Pambansang Araw ng Tsina; pagpapalalim ng relasyong Pilipino-Sino, mahalaga_fororder_微信图片_20200930100858

Bumisita Martes, ika-29 ng Setyembre ng 2020, sa Embahadang Tsino sa Pilipinas si Secretary Teodoro Locsin Jr. ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, para bumati sa nalalapit na Mooncake Festival at Ika-71 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng People’s Republic of China o Pambansang Araw ng Tsina, na kapuwa matatapat sa Oktubre 1.

 

Binalik-tanaw ni Locsin ang mga pagdalaw niya sa Tsina sapul noong 1967. Aniya, natamo ng Tsina ang kapansin-pansing pagbabago nitong ilampung taong nakalipas, at ito ay umani ng paggalang ng iba’t ibang bansa sa daigdig.

DFA Secretary Locsin, bumati sa Mooncake Festival at Pambansang Araw ng Tsina; pagpapalalim ng relasyong Pilipino-Sino, mahalaga_fororder_微信图片_20200930100911

Sinabi rin ni Locsin na ang ibayo pang pagpapalalim ng relasyong Pilipino-Sino ay mahalaga para sa pag-unlad ng Pilipinas. Nakahanda aniya ang Pilipinas na pag-aralan ang karanasan ng Tsina sa pag-unlad at pangangasiwa sa mga isyung panloob.

 

Aniya pa, umaasa ang Pilipinas na magtutulungan, kasama ng Tsina, para mapagtagumpayan ang epidemiya ng COVID-19 sa lalong madaling panahon at maisakatuparan ang pagbangon ng kabuhayan.

DFA Secretary Locsin, bumati sa Mooncake Festival at Pambansang Araw ng Tsina; pagpapalalim ng relasyong Pilipino-Sino, mahalaga_fororder_微信图片_20200930100918

Mainit na tinanggap ni Embahador Huang Xiliang ng Tsina ang pagbisita ni Sec. Locsin. Sinabi ni Huang na palagiang nakahanda ang Tsina na isakatuparan, kasama ng Pilipinas, ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa para palalimin ang aktuwal na kooperasyong Sino-Pilipino at maayos na hawakan ang mga hidwaan ng dalawang panig.

 

Reporter: Ernest Wang

Please select the login method