Kooperasyon ng Tsina at Argentina, isusulong pa

2020-09-30 14:32:26  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Martes ng gabi, Setyembre 29, 2020 kay Pangulong Alberto Fernandez ng Argentina, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa harap ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nakahanda ang Tsina na magkaloob hangga’t makakaya, ng tulong sa Argentina.
 

Ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng magsikap kasama ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng Argentina, para lubos na mapagtagumpayan ang pandemiya sa lalong madaling panahon, at magkakasamang mapasulong ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kalusugan ng sangkatauhan.
 

Diin pa ni Xi, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Argentina. Lipos ang kompiyansa niya sa kinabukasan ng kooperasyon ng dalawang bansa, ani pangulong Tsino.
 

Sinabi naman ni Fernandez na may malawak na komong palagay ang Argentina at Tsina sa mga isyung gaya ng paggigiit ng multilateralismo, at pagharap sa pagbabago ng klima. Nakahanda aniya ang Argentina na palakasin ang pakikipagkoodinasyon at pakikipagtulungan sa Tsina sa mga isyung ito.
 

Ipinahayag din niya ang pasasalamat sa mga ibinibigay na pagkatig at tulong ng Tsina sa pakikibaka ng Argentina laban sa pandemiya ng COVID-19.

Salin: Lito

Please select the login method